Ang tiya o tiyahin (Ingles: aunt , auntie)[1] ay katawagan ng isang pamangkin para sa isang babaeng taong maaaring kapatid na babae ng isang magulang, o ang asawa ng isang kapatid na lalaki ng isang magulang. Ayon sa Talahuluganang Ingles ng Oxford, ito ang kapatid na babae ng isang ama o ina, o kaya ang asawang babae ng isang tiyong tinatawag na tiya sa batas o tiyahin sa batas (aunt-in-law sa Ingles) ayon sa mahigpit na kahulugan ng salita.[2] Tiyo ang katumbas na katawagan para sa lalaki. Maaari ring tumukoy ang tiya sa isang parangal na katawagan para sa sinumang babaeng tao o indibiduwal. Katumbas ito ng tiyang, ale at kaka[1], bagaman ginagamit din ang kaka bilang pantawag para sa panganay na kapatid na lalaki o babae (para sa kuya o sa ate).[3] Ngunit bilang panturing sa tiya o tiyo, karaniwang ginagamit ang kaka para tawagin o tukuyin ang isang panganay na tiya o tiyo.[3] Ginagamit ding panawag ang tiya para sa isang inang panguman.[3]
↑Pangunahing kahulugang nakatala sa Oxford English Dictionary ang mga pangungusap na "The sister of one's father or mother. Also, an uncle's wife, more strictly called an aunt-in-law".