Hecate | |
---|---|
![]() Ang Hecate Chiaramonti, isang Romanong eskultura ng tripleng Hecate, na ginaya sa Helenistikong orihinal (Museo Chiaramonti, Vatican Museums) | |
Diyosa ng mahika, mga sangang-daan, mga multo, at nekromansya | |
Tirahan | Mundong Ilalim |
Symbol | Lambal na mga sulo, mga aso, mga ahas, mga susi, polecat, at mga balaraw |
Konsorte (Asawa) | Hermes, Helius, Mormo |
Mga magulang | Perses at Asteria |
Offspring | Circe, Scylla, Aietes, Pasiphae, Empusa; Pan (sa ibang mga salaysay) |
Katumbas na Romano | Trivia |
Si Hecate o Hekate (Griyego, Hekátē) ay isang diyosa sa Sinaunang Griyegong relihiyon at mitolohiya, karaniwang ipinakikita na may hawak na dalawang sulo o ng isang susi.[1] Siya ay madalas na nauugnay sa sangang-daan, mga pasukang daanan, ilaw, mahika, pangkukulam, kaalaman ng mga yerba at nakalalasong mga halaman, mga multo, nekromansya, at panggagaway.[2][3] Ang lugar ng pinagmulan ng kanyang mga tagasunod ay di-tiyak, ngunit naiisip na siya ay nagkaroon ng mga sikat na mga tagasubaybay sa Thrace.[4] Siya ay isa sa mga pangunahing diyos na sinamba sa mga Atenong kabahayan bilang isang tagaprotektang diyosa at kung sino ang nagkakaloob ng kasaganaan at ng pang araw-araw na mga biyaya sa pamilya.[5][6][7]
Si Hecate ay sinamba ng parehong mga Griyego at Romano na nagkaroon ng kanilang sariling mga pagdiriwang na inihandog sa kanya.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.