Ang Komunyong Anglicana ay isang pandaigdigang samahan ng mga simbahan na binubuo ng Church of England at ng pambansa at rehiyonal na mga simbahang Anglicana na lubos ang pakikipag-isa rito.[1] Ang katayuan ng lubos na pakikipag-isa ay nangangahulugang, na kapwa nagkakasundo ang mga ito sa mga mahahalagang doktrina at ang ganap na pakikilahok sa buhay sakramento ng bawat simbahan ay maibabahagi lahat ng mga Anglicano.