Ronee Blakley | |
---|---|
Blakley in 1976. | |
Kapanganakan | Nampa, Idaho, U.S. | 24 Agosto 1945
Trabaho | Actress, singer |
Asawa | Wim Wenders (k. 1979–81) |
Website | http://roneeblakley.com/ |
Si Ronee Sue Blakley (ipinanganak 24 Agosto 1945) ay isang Amerikanang entertainer. Isa siyang mang-aawit, kompositor, producer at direktor ngunit mas nakilala siya bilang isang artista. Ang kanyang pinakakilalang papel na ginagampanan ay ang piksiyonal na superstar na si Barbara Jean sa pelikula ni Robert Altman noong 1975 na Nashville; dito ay nanalo siya ng National Board of Review Award para sa Best Supporting Actress at nominado rin sa isang Academy Award. Siya rin ay nagkaroon ng papel sa A Nightmare on Elm Street (1984).