Ang Sheol (Ingles: Sheol) Wikang Hebreo שְׁאוֹל Šʾôl) na isinalin bilang "libingan", "hukay" o "tirahan ng mga namatay" ay ang kinikilalang tirahan ng mga patay o mundong ilalim sa paniniwalang Hudyo. Ito ang lugar na patutunguhan ng mga namatay(Kaw. 9:18) ng parehong mga matuwid(hal. Awit 49:15) at mga masama(hal. Awit 9:17).[1]

Mga salin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa saling Griyegong Septuagint ng Hebreong Tanakh, ang sheol ay isinalin ng 61 sa 65 beses na Griyegong Hades, 2 beses na thanatos(kamatayan) at 2 beses nang hindi isinalin.

Sa ika-17 na siglong salin ng Bibliya sa Ingles na King James Version, ang Sheol sa Lumang Tipan ay isinalin na "impiyerno"(hell) ng 31 beses, [2] "libingan"(grave) ng 31 beses[3] at "hukay"(pit) ng 3 beses.[4]

Sa mga modernong salin ng Bibliya, ang sheol ay hindi isinalin na impiyerno kundi "libingan", "hukay" at "kamatayan".

Mga talata sa Lumang Tipan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kinaroroonan ng Sheol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga nasa Sheol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Panahon sa Sheol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kalagayan ng mga nasa Sheol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kahahantungan ng Sheol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga pananaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangkalahatang inaayunan ng mga skolar gayundin sa Hudaismo na ang sheol ay hindi tumutukoy sa "lugar ng walang hanggang kaparusahan"(o impiyerno sa doktrinang Kristiyanismo) kundi sa "libingan", temporaryong tirahan ng mga namatay, at mundong ilalim.[5]

Sa Bagong Tipan, ang pariralang "לא־תעזב נפשׁי לשׁאול" (hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol) sa Awit 16:10 ay sinipi sa Mga Gawa 2:27 bilang "οὐκ ἐγκαταλείψεις τὴν ψυχήν μου εἰς ᾅδου" (hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades). Sa King James Version, ang Mga Gawa 2:27 ay isinalin na "thou wilt not leave my soul in hell(impiyerno)". Sa textus receptus na pinagbasehan ng King James Version, ang "ᾅδης" (Hades) ay lumitaw ng 11 beses. Sa bawat instansiya, isinalin ng King James Version ang Hades bilang "hell"(impiyerno) maliban sa 1 Cor. 15:55 kung saan ginamit ang "grave"(libingan). Sa mga edisyong kritikal ng 1 Cor. 15:55, ang "θάνατος" (kamatayan) ay pumalit sa "ᾅδης"(Hades).[6] Sa mga modernong salin kung saan ay mayroon lamang 10 instansiya ng "ᾅδης" ay pangkalahatang tinranslitera bilang "Hades". Sa modernong salin na NIV ng Mga Gawa 2:27, ito ay isinalin na "you will not abandon me to the realm of the dead". Sa lahat ng mga paglitaw ng hades sa Bagong Tipan maliban sa isa, ang "ᾅδης"(hades) ay may kaunti kung meron mang anumang kaugnayan sa mga gantimpala o parusa sa kabilang buhay. Ang eksepsiyon nito ang Talinghaga ni Lazaro at isang mayaman(Lucas 16:19-31) kung saan ay natagpuan ng mayaman ang kanyang sarili sa Hades at nagdurusa. Ang ilang mga skolar ay naniniwala na ang talinghagang ito ay sumasalamin sa pananaw na Hudyo noong panahong intertestamental ng sheol o hades na naglalaman ng magkahiwalay na mga dibisyon para sa masama at matuwid.[7]

Sa Bagong Tipan, ang isinaling "impiyerno" ng mga tagapagsalin ng Bibliya ay tipikal na inilalarawan gamit ang mga salitang Griyegong Tartarus o Hades(na isinalin sa Septuagint mula sa Hebreong Sheol) o ang salitang Hebreo na Gehenna. Ang Gehenna o "lambak ng Hinnom" ay aktuwal na lokasyon na orihinal na handugan ng mga tao sa diyos na si Moloch, ngunit kalaunang naging tambakan at sunugan ng basura at mga bangkay ng mga kriminal na nagkamit lamang ng kahulugang metaporikal noong panahong intertestamental. Sa Marcos 9:47-48, ang Gehenna(na isinaling "impiyerno") ay inilarawan na "na doo'y hindi namamatay ang kanilang maggot, at hindi namamatay ang apoy".

Tingnan din

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Tirahan ng mga patay, Seol". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.((cite ensiklopedya)): CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 63.
  2. Deut. 32:22, Deut. 32:36a & 39, II Sam. 22:6, Job 11:8, Job 26:6, Psalm 9:17, Psalm 16:10, Psalm 18:5, Psalm 55:15, Psalm 86:13, Ps. 116:3, Psalm 139:8, Prov. 5:5, Prov. 7:27, Prov. 9:18, Prov. 15:11, Prov. 15:24, Prov. 23:14, Prov. 27:20, Isa. 5:14, Isa. 14:9, Isa. 14:15, Isa. 28:15, Isa. 28:18, Isa. 57:9, Ezek. 31:16, Ezek. 31:17, Ezek. 32:21, Ezk. 32:27, Amos 9:2, Jonah 2:2, Hab. 2:5
  3. Gen. 37:35, Gen. 42:38, Gen. 44:29, Gen. 44:31, I Sam. 2:6, I Kings 2:6, I Kings 2:9, Job 7:9, Job 14:13, Job 17:13, Job 21:13, Job 24:19, Psalm 6:5, Psalm 30:3, Psalm 31:17, Psalm 49:14, Psalm 49:14, Psalm 49:15, Psalm 88:3, Psalm 89:48, Prov. 1:12, Prov. 30:16, Ecc. 9:10, Song 8:6, Isa. 14:11, Isa. 38:10, Isa. 38:18, Ezek. 31:15, Hosea 13:14, Hosea 13:14, Psalm 141:7
  4. Num. 16:30, Num. 16:33, Job 17:16
  5. New Bible Dictionary third edition, IVP 1996. Articles on "Hell", "Sheol".
  6. Greek New Testament Naka-arkibo 2008-11-08 sa Wayback Machine.; cf. The International Standard Bible Encyclopedia, Vol. II:1314-1315. [1915.
  7. New Bible Dictionary 3rd edition, IVP Leicester 1996. "Sheol".