Bagong Tipan ng Bibliya

Ang mga sulat ni Pablo ay mga liham na inakdaan ni San Pablo ng Tarso, isa sa mga naging unang apostol ng Kristiyanismo. Tinatawag din itong mga Paulinong Sulat (mula sa Ingles na Pauline Letters o Pauline Epistles) o mga Epistolaryong Paulino.[1] Unang naisulat ang mga liham ni Pablo bago pa man maisatitik ang mga Ebanghelyo nina San Mateo, San Marcos, San Lucas, at San Juan. Naglalaman ang mga liham na ito ng mga kapansin-pansin at naging bantog na mga pangungusap sa panitikan ng daigdig.[2]

Paglalarawan at katangian

Nakaaakit ng pansin ang mga sulat na ito sapagkat - katulad ng ibang mga tunay na sulat sa araw-araw na pamumuhay ng tao, at maging ng iba ring mga sulat sa Bagong Tipan ng Bibliya - naglalaman ang mga ito ng pagtalakay sa mga pangaraw-araw na mga suliraning lumilitaw na lamang basta. Isa pang katangian nito ang pagiging mga liham na hindi nasusulat bilang mga pormal na mga sanaysay. Karamihan sa mga sulat na ito ang hinggil sa mga tiyak na suliraning inibig talakayin ni Pablo habang nakikipagugnayan sa partikular na mga parokya o pangkat ng mga tao. Ginamit din ni Pablo ang mga sulat na ito para sagutin ang mga katanungan ng mga mamamayang ito.[1]

Mga pinadalan at nakatanggap

Nakatakda ang mga Sulat na Paulino para sa bawat isang parokya o simbahan ng mga sinaunang Kristiyano. Kabilang sa mga liham na ito ang para sa mga Kristiyanong Romano, Corintio, Galata, Efesio, Filipense, Colosense, at Tesalonicense. Kasama rin sa pangkat na ito ang mga sulat para sa mga pastor o pinuno ng parokyang sina Timoteo at Tito ang Alagad (o Titus ang Alagad).[1]

Pagkakasunud-sunod at kahanayan

Ang mga sumusunod ang mga sulat na tradisyonal na pinaniniwalaang isinulat ng Apostol Pablo. Ang mga sumusunod ay ayon sa pagkakahanay ng mga ito sa Bagong Tipan ng Bibliya:

Si San Pablong Sumusulat ng Kaniyang mga Liham, isang dibuho mula ika-16 daantaon.

Autentisidad(pagiging tunay) ng mga liham

Ang ilan sa mga liham na ito ay pinaniniwalaan ng karamihan ng mga iskolar ng Bibliya na pseudepigrapikal(may pekeng pangalan) o pandaraya na ang layunin ay upang pangatwiranan ang ilang mga kalaunang paniniwala.

Posibleng totoong isinulat ng taong may pangalang Pablo

Ang mga 7 liham na itinuturing na tunay ng karamihan sa mga iskolar ng Bibliya ang sumusunod at mga petsa ng pagkakasulat nito ayon sa mga iskolar ng Bibliya:[3] :

Peke na ipinangalan kay Pablo

Ang mga sumusunod ang mga sulat na pinaniniwalaan ng karamihan sa mga iskolar ng Bibliya na pseudepigrapikal(peke):[4]

Hindi matiyak kung tunay o peke

Ang mga sumusunod ang mga sulat na hati ang mga iskolar ng Bibliya sa pagiging tunay: [4]

Hindi isinulat ni Pablo

Ang isang walang pangalan na sulat na tradisyonal na itinuturo kay Pablo ngunit ang lahat ng iskolar ng Bibliya ay naniniwalang hindi isinulat ni Pablo ang:

Mga nawawalang liham ni Pablo

Mga hindi kanonikal na panitikang ipinangalan o tungkol kay Pablo

Tingnan din: kanon

Ang mga sumusunod ang mga hindi kanonikal na sulat na inangkin na isinulat ni Pablo:

May mga teksto ring umiiral na bagaman hindi striktong mga liham ay gayunpman nag-aangkin na isinulat ni o tungkol kay Pablo:

Ang ilan ay nagmungkahi rin ng pag-iral ng ikatlong sulat sa mga taga-Tesalonica na isinulat o pineke sa pangalan ni Pablo na posibleng tinutukoy sa 2 Th 2:1-2, 3:17é

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 "(a) History of Christianity, pahina 280; (b) New Testament, pahina 161-162". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.((cite ensiklopedya)): CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Reader's Digest (1995). "Introduction to the Old and New Testaments, pahina 16". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.((cite ensiklopedya)): CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Pheme Perkins, Reading the New Testament: An Introduction (Paulist Press, 1988), pp. 4-7.
  4. 4.0 4.1 New Testament Letter Structure, from Catholic Resources by Felix Just, S.J.
  5. See I.H. Marshall, A Critical and Exegetical Commentary on the Pastoral Epistles (International Critical Commentary; Edinburgh 1999), pp. 58 and 79. Notable exceptions to this majority position are Joachim Jeremias, Die Briefe an Timotheus und Titus (Das NT Deutsch; Göttingen, 1934, 8th edition 1963) and Ceslas Spicq, Les Epîtres Pastorales (Études bibliques; Paris, 1948, 4th edition 1969). See too Dennis MacDonald, The Legend and the Apostle (Philadelphia 1983), especially chapters 3 and 4.
  6. Berding, K, (1999), Polycarp of Smyrna's View of the Authorship of 1 and 2 Timothy,Vigiliae Christianae, Vol. 53, No. 4. (Nov., 1999), pp. 349-360.
  7. Raymond E. Brown, An Introduction to the New Testament (New York: Doubleday, 1997), pp.672-675.
  8. Raymond E. Brown. An Introduction to the New Testament. New York: Anchor Bible, p. 662
  9. Also called A Prior Epistle of Paul to the Corinthians[1] Naka-arkibo 2012-12-25 sa Wayback Machine. or Paul’s previous Corinthian letter.[2], possibly Third Epistle to the Corinthians

Mga kawing panlabas