Survivor Philippines
UriPalabas na Pangkatotohanan
GumawaCharlie Parsons
NagsaayosGMA News and Public Affairs
DirektorRico Gutierrez (2008-kasalukuyan)
Dante Nico Garcia (2011-kasalukuyan)
Monti Parungao (2008-2010)
Martin Cabrera (2009)
HostRichard Gutierrez (2010-kasalukuyan)
Paolo Bediones (2008-2009)
Kompositor ng temaRuss Landau
Diwa de Leon
Bansang pinagmulanPilipinas
WikaFilipino
Bilang ng season4
Bilang ng kabanata269
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapMaria Carmela Torres (2011-kasalukuyan)
Kernan Gatbonton (2010)
Donnaliza Medina (2008-2009)
Oras ng pagpapalabas30-45 minuto
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanGMA Network
Orihinal na pagsasapahimpapawid15 Setyembre 2008 (2008-09-15) –
kasalukuyan
Website
Opisyal

Ang Survivor Philippines ay ang bersyon ng Pilipinas ng kilalang palabas na Survivor, na orihinal na batay sa palabas na Expedition Robinson na nilikha ni Charlie Parsons noong 1997. Ang seryeng ito ay nagsimula noong 15 Setyembre 2008 sa GMA Network. Ito ay inihahandog ni Richard Gutierrez. Ang unang dalawang panahon ay inihandog ni Paolo Bediones. Ito ay ipinapakita sa GMA Network tuwing mga gabi ng Lunes hanggang Biyernes sa panahon ng kanilang oras sa Telebabad. Simula sa ikalawang panahon, ito ay ipinapalabas sa buong mundo sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV maliban sa Hilagang Amerika, dahil sa kasunduan ng Castaway Television at ng CBS na pinagbabawalan ipalabas ang ibang bersyon ng mga bansa ng naturang serye sa yaong rehiyon.[1].

Tulad ng ibang mga bersyon, ang palabas ay may isang takdang bilang ng mga kalahok na mamamalagi sa isang malayong lugar sa loob ng takdang bilang ng mga araw hanggang isa na lang ang maiwan na mabibigyan ng titulong Pinoy Sole Survivor (Celebrity Sole Survivor sa mga edisyong para sa mga kilalang tao). Bukod sa titulo, ang nagtagumpay ay makakakuha ng P3,000,000 (kumulang $65,000), ang pinakamalaking salaping premyo na ibinigay sa kasaysayan ng mga palabas na pampaligsahan sa Pilipinas.

Ang kasabihan ng palabas ay "Pautakan, Pagalingan, Patatagan", ang salin ng wikang Filipino sa kasabihang "Outwit, Outplay, Outlast" ng bersyon ng Estados Unidos. Ang palabas, sa pangkalahatan, ay tumutukoy sa kanilang mga tagahanga bilang isang "Katribo".

Mga Panahon

Panahon Pangalan Nagwagi Ikalawang Puwesto Ikatlong Puwesto Boto Blg. ng mga Kalahok Blg. ng mga Araw Mga Tribo Lugar Petsang Pinalabas
1
Survivor Philippines
John Carlo "JC" Tiuseco
Robert Vincent "Rob" Sy
Wala
6-2
18
39
     Jarakay
     Naak
     Chalam
Ko Tarutao, Lalawigang Satun, Thailand
15 Setyembre 2008 – 14 Disyembre 2008
2
Survivor Philippines:
Palau
Amanda Coolley Van Cooll
Justine Ferrer
Jeffrey "Jef" Gaitan
4-3-0
16
     Airai
     Koror
     Isla Purgatoryo
     Sonsorol
Peleliu, Palaw, Mikronesya
17 Agosto 2009 – 15 Nobyembre 2009
3
Survivor Philippines: Celebrity Showdown
Akihiro Sato
Solenn Heussaff,
Jon Ervic Manalo Vijandre
3-2-2
18
36
     Magan
     Nagar
     Sar Mayee
     Galone
Pambansang Parke ng Laem Son, Amphoe Kapoe, Lalawigang Ranong, Thailand
30 Agosto 2010 – 5 Disyembre 2010
4
Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown
Albert "Betong" Sumaya, Jr.
Mara Yokohama
Stef Prescott
4-2-1
20 (10 pares of 2)
     Bulan
     Tala
     Apolaki
San Vicente, Palawan, Pilipinas
14 Nobyembre 2011 – 19 Pebrero 2012

Nagkaroon ng apat na panahon ang naturang palabas:

Survivor Philippines is located in Asya
1
1
2
3
4
Mga lugar kung saan ginanap ang mga panahon ng Survivor Philippines. Ang mga numero ay ang kumakatawan sa bawat panahon.

Pamamaraan

Ang mga kalahok ay dadalhin sa malayong lugar, karaniwan sa isang mainit na klima. Hahatiin sila sa pagitan ng dalawa o higit pang mga "tribo" at mapipilitang mabuhay sa ilang na may kaunting suplay ng gamit at pagkain sa higit pang isang buwan.

Ang buong panahon ay hinahati sa siklo. Karaniwan ang isang siklo ay binubuo ng tatlong araw, isang araw para sa paligsahang panggantimpala, isang araw para sa paligsahang pangkaligtasan at isang araw para sa Konsehong Pantribo. Minsan ay hindi sinusunod ang pagkakaayos nito.

Mga Tribo

Ang mga tribo ay binibigyan ng mga kaunting kasangkapan para mabuhay sa isla tulad ng itak at palayok. Para sa pagkain, ang palabas ay nagbibigay ng bigas at bahala na sila maghanap ng ibang klaseng pagkain sa kapaligiran, tulad ng isda. Obligado rin ang bawat tribo na gumawa ng kanilang kanlungan para maprotektahan sila laban sa pabago-bagong klima.

Ang bawat tribo ay may sariling pangalan at kulay para mabukod ito sa ibang tribo at ginagamit ito para sa kanilang bandila, sa mga paligsahan at iba pa. Bawat manlalaro ay binibigyan ng isang tela na sumasagisag ng kanilang tribo (buff) na kailangan nilang suotin magdamag sa kahit saang parte ng katawan na natatanaw ng mga manonood.

Mga Paligsahan

Sa kabuuan, ang mga manlalaro ay makikipagkumpetensya bilang mga tribo o indibidwal sa mga paligsahan. Ang mga paligsahan ay binubuo ng pagkatibay, pagtutulungan ng mga magkakasama at paglutas ng mga palaisipan. Sa unang kalahati ng laro, ang mga tribo ay maglalabanan sa bawat isa sa mga paligsahan. Sa ikalawang kalahati, pagkatapos ng pagsasama (merge), ang mga kalahok ay makikipagpaligsahan sa bawat isa.

Mayroong dalawang uri ng paligsahan:

Minsan, maaaring magkaroon ng pinagsamang paligsahang panggatimpala at pangkaligtasan.


Mga sanggunian

  1. "Survivor Philippines : Palau goes international via GMA Pinoy TV". gmapinoytv.com. August 7, 2009. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Septiyembre 30, 2009. Nakuha noong December 25, 2011. ((cite web)): Check date values in: |archive-date= (tulong)
  2. "THE OFFICIAL BLOG OF SURVIVOR PHILIPPINES". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-07-03. Nakuha noong 2008-05-24.((cite web)): CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kapuso Mo, Jessica Soho, September 20, 2008
  4. "Survivor Philippines Season 2 will begin nationwide auditions". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-02-19. Nakuha noong 2009-02-17.((cite web)): CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Survivor Philippines Season 2 Application". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-03-06. Nakuha noong 2012-01-29.((cite web)): CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Survivor Philippines Season 2 Invades Palau Islands". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-08-03. Nakuha noong 2009-07-30.((cite web)): CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Palau president drops fee for Philippines Survivor team". Nakuha noong 2009-06-18.((cite web)): CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 24 Oras, aired March 18, 2010.
  9. "Richard Gutierrez will take a much needed breather in America before starting season 2 of Survivor Philippines: Celebrity Showdown". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-01-27. Nakuha noong 2011-08-11.((cite web)): CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown, Puputok na!". Nakuha noong 2011-10-21.((cite web)): CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Who will be hailed as the Sole Celebrity Survivor of Survivor Philippines Season 4?". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-01-27. Nakuha noong 2011-10-21.((cite web)): CS1 maint: date auto-translated (link)