Toni Marie Fowler
Kapanganakan
Toni Fowler

July 22, 1993 (age 29)
NasyonalidadPilipino
Ibang pangalanMommy Oni, Toni
TrabahoYouTuber, TikToker
Aktibong taon2020–kasalukuyan
Tangkad1.67 m (5 ft 6 in)
KinakasamaRob Moya
WebsiteToni Fowler sa Instagram

Si Toni Fowler-Manalo ay isang tanyag na YouTuber/vlogger, TikToker, aktres at personalidad sa social media sa Pilipinas. Siya ay gumanap sa teleseryeng A1 Ko Sa 'Yo bilang si Gemma.[1] Siya ay unang nakita sa industriya sa social media noong taong 2015. Lumikha siya ng kanyang mga bidyo sa YouTube at TikTok, kung saan sa huli ay mayroon siyang 8 milyong subscribers.[2]

Umani ng kontrobersiya si Fowler dahil sa paggamit niya ng mga imahe at temang hango sa pornograpiya[3] tulad ng kantang "M.P.L." na ang ibig sabihin ay "Malibog Pag Lasing",[4] ngunit ipinaliwanag ni Fowler na para lamang sa mga nakakatanda ang kanyang mga kanta at bideyo at hindi niya intensyong ipakalat ang kanyang mga akda sa mga bata.[5]

Tingnan rin

Sanggunian

Talababa