Yangzhou 扬州市 Yangchow | |
---|---|
Antas-prepektura na lungsod | |
Ang Lawa ng Shouxi, kasama ang Tulay ng Limang Pabilyon | |
Kinaroroonan ng Yangzhou sa lalawigan ng Jiangsu | |
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Eastern China" nor "Template:Location map Eastern China" exists. | |
Mga koordinado: 32°24′N 119°25′E / 32.400°N 119.417°E | |
Bansa | Republikang Bayan ng Tsina |
Province | Jiangsu |
Mga dibisyong antas-kondado | 6 (3 distrito, 2 antas-kondado na lungsod, 1 kondado) |
Pamahalaan | |
• Puno ng Partido Komunista | Xie Zhengyi (谢正义) |
• Alkalde | Xia Xinmin (夏心旻) |
Lawak | |
• Antas-prepektura na lungsod | 6,678 km2 (2,578 milya kuwadrado) |
• Urban (2018)[1] | 363 km2 (140 milya kuwadrado) |
• Metro | 2,310 km2 (890 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso 2010) | |
• Antas-prepektura na lungsod | 4,459,760 |
• Kapal | 670/km2 (1,700/milya kuwadrado) |
• Urban (2018)[1] | 1,665,000 |
• Densidad sa urban | 4,600/km2 (12,000/milya kuwadrado) |
• Metro | 2,146,980 |
• Densidad sa metro | 930/km2 (2,400/milya kuwadrado) |
Kinabibilangan lamang ang mga may permisong Hukou | |
Sona ng oras | UTC+8 (Oras ng Beijing) |
Telepono | (0)514 |
Kodigo ng ISO 3166 | CN-JS-10 |
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan | 苏K |
Websayt | yangzhou.gov.cn/english (sa Ingles) |
Yangzhou | |||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pinapayak na Tsino | 扬州 | ||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 揚州 | ||||||||||||||||||
Kahulugang literal | "Prepektura ng Yang" | ||||||||||||||||||
|
Ang Yangzhou, o Yangchow sa romanisasyong postal, ay isang antas-prepektura na lungsod sa gitnang Jiangsu, Tsina. Ito ay nasa hilagang pampang ng Ilog Yangtze, at kahangga nito ang Nanjing na panlalawigang kabisera sa timog-kanluran, Huai'an sa hilaga, Yancheng sa hilagang-silangan, Taizhou sa silangan, at Zhenjiang sa kabilang dako ng ilog sa timog. Ang populasyon nito ay 4,414,681 katao noong senso ng 2010, 2,146,980 sa kanila ay nakatira sa pook urbano nito na kinabibilangan ng tatlong mga distritong urbano na kasalukuyang nasa aglomerasyon nito.
Isa rati ang Yangzhou sa pinakamayamang mga lungsod sa Tsina, na nakilala sa maraming mga panahon sa kaniyang dakilang mga pamilya ng mga mangangalakal, mga manunula, mga dalubsining, at mga pantas. Ang pangalan nito (literal na "Bumabangong Prepektura") ay tumutukoy sa dating katayuan nito bilang kabisera ng sinaunang prepektura ng Yangzhou sa imperyal na Tsina. Isa ang Yangzhou sa unang mga lungsod na nakinabang sa isa sa pinakaunang mga pautang mula sa Bangkong Pandaigdig sa Tsina, na ginamit upang itayo ang thermal power station ng Yangzhou noong 1994.[2][3]
Matatagpuan ang Yangzhou sa isang kapatagan sa hilaga ng Ilog Yangtze. Ang Dakilang Kanal, na kilala rin bilang Kanal ng Jing-Hang, ay tumatawid sa antas-prepektura na lungsod mula hilaga-patimog; dumaraan ang kasalukuyang ruta nito sa silangang mga labas na dako ng pook urbano ng Yangzhou, habang ang lumang ruta nito ay dumaraan sa sentro ng lungsod. Ang iba pang mga anyong tubig sa loob ng antas-prepektura na lungsod ay ang Ilog Baoshe, Ilog Datong, Ilog Beichengzi, Kanal ng Tongyang, Kanal ng Xintongyang, Lawa ng Baima, Lawa ng Baoying, Lawa ng Gaoyou at Lawa ng Shaobo.
Tulad ng malaking bahagi ng kabuoang antas-prepektura na lungsod, paroo't parito ang isang masikot-sikot (intringkado) na sistema ng mga kanal at maliit na lawa sa pangunahing pook urbano ng Yangzhou (ang "city proper" o "poblasyon" nito). Ang makasaysayang sentro ng lungsod (ang dating napapaderang lungsod) ay pinalilibutan ng mga kanal sa lahat ng mga panig nito: ang Lumang Dakilang Kanal ay bumubuo sa silangan at katimugang mga hangganan nito; ang Kanal ng Bambang ng Lungsod (City Moat Canal) ay tumatahak sa hilagang hangganan ng dating napapaderang lungsod at ini-uugnay ang Lumang Dakilang Kanal sa Lawa ng Shouxi (Slender West Lake); ang Kanal ng Erdaohe ay tumatahak sa kanlurang hangganan ng dating lungsod, mula sa Lawa ng Shouxi patungong Dagat-Dagatan ng Bulaklak ng Lotus (Lotus Flower Pond o Hehuachi), na nakaugnay naman sa Lumang Dakilang Kanal sa pamamagitan ng maiksing kanal ng Erdaogou.[4] Maaring lumayag mula Lawa ng Shouxi patungong Lumang Dakilang Kanal sa pamamagitan ng Erdaohe, Dagat-Dagatan ng Hehua, at ng Erdaogou gamit ang isang maliit na bangka.[5]
Kasalukuyang namamahala ang antas-prepektura na lungsod ng Yangzhou sa anim na mga dibisyong antas-kondado, kabilang ang tatlong mga distrito, dalawang antas-kondado na mga lungsod at isang kondado. Ang mga ito ay nahahati pa sa 98 mga dibisyong antas-township, kasama ang 87 mga bayan at township, at 11 mga subdistrito.
Mapa | |||||
---|---|---|---|---|---|
Subdibisyon | Pinapayak na Tsino | Hanyu Pinyin | Populasyon (2010) | Lawak (km2) | Kapal ng populasyon (/km2) |
City Proper | |||||
Distrito ng Guangling | 广陵区 | Guǎnglíng Qū | 340,977 | 423.09 | 805.92 |
Distrito ng Hanjiang | 邗江区 | Hánjiāng Qū | 1,051,322 | 552.68 | 1,902.23 |
Suburban | |||||
Distrito ng Jiangdu | 江都区 | Jiāngdū Qū | 1,006,780 | 1,329.90 | 757.03 |
Rural | |||||
Kondado ng Baoying | 宝应县 | Bǎoyìng Xiàn | 752,074 | 1,461.55 | 514.57 |
Mga karatig lungsod (antas-kondado na lungsod) | |||||
Yizheng | 仪征市 | Yízhēng Shì | 563,945 | 902.20 | 625.08 |
Gaoyou | 高邮市 | Gāoyóu Shì | 744,662 | 1,921.78 | 387.49 |
Kabuoan | 4,459,760 | 6,591.21 | 676.62 | ||
Noong Nobyembre 2011, sinanib ang Distrito ng Weiyang (维扬区) sa Distrito ng Hanjiang, habang ang dating antas-kondado na lungsod ng Jiangdu ay naging distrito ng Jiangdu.[6] |
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)((citation))
: CS1 maint: date auto-translated (link)((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: Check date values in: |archive-date=
(tulong)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Gabay panlakbay sa Yangzhou mula sa Wikivoyage
Mga antas-kondado na dibisyon ng lalawigan ng Jiangsu | |||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Nanjing (kabisera) | |||||||||||||||||||||||||
Sub-probinsiyal na lungsod |
| ||||||||||||||||||||||||
Mga antas-prepektura na lungsod |
|
Mga lungsod sa kahabaan ng Ilog Yangtze | |
---|---|
Antas-lalawigan | Mga lungsod (mulâ sa ilayang abót hanggáng sa ibabâng abót) |
Yunnan |
|
Sichuan |
|
Chongqing |
|
Hubei | |
Hunan |
|
Jiangxi |
|
Anhui | |
Jiangsu | |
Shanghai |
|
Mga pangunahing lungsod sa kahabaan ng Ilog Perlas · Mga pangunahing lungsod sa kahabaan ng Ilog Dilaw |
Pandaigdigan | |
---|---|
Pambansa | |
Heograpiko | |
Iba pa |