Panghimagsikang Hukbong Katihan ng Pilipinas Ejercito en la Republica de la Filipina | |
---|---|
Sagisag ng Ejercito en la Republica de la Filipina (1897) | |
Pagkakatatag | ika-22 ng Marso 1897 |
Pagtatapat | Philippine Republic |
Uri | Militar |
Gampanin | Sandatahan |
Sukat | 100,000 to 1,000,000 (1898)[1] |
Mga kulay | Bughaw, Pula, at Puti |
Mga anibersaryo | ika-22 ng Marso |
Mga pakikipaglaban | Philippine Revolution Spanish-American War Philippine-American War |
Mga komandante | |
Generalissimo | Emilio Aguinaldo |
Natatanging mga komandante |
Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Antonio Luna, Artemio Ricarte |
Ang Panghimagsikang Hukbong Katihan ng Pilipinas (Ingles: Philippine Revolutionary Army) ,[2] (Kastila: Ejército Revolucionario Filipino ); (Tagalog: Hukbong Pilipinong Naghihimagsik) paglaon ay pinangalanang Hukbong Katihan ng Pilipinas ay ang opisyal na Sandatahang Lakas ng Pilipinas mula sa pagkatatag noong Marso ng 1899 at sa pagkabuwag noong Nobyembre ng taong iyon pabor sa mga operasyong guerilla sa Digmaang Pilipino–Amerikano.
Ginamit ng Rebolusyunaryong Hukbo noong 1896 ang edisyon ng regular na Kastilang hukbo na Ordenanza del Ejército upang i-organisa ang mga puwersa nito at maitatag ang isang karakter ng isang makabagong hukbo.[3] Inilatag ang mga batas at regulasyong para sa re-organisasyon ng hukbo, kasama sa regulasyon ng ranggo at ang pag-akma ng makabagong pakikipaglaban, mga insinya ng bagong ranggo, at ang uniporme na kilala sa tawag na rayadillo. Ang Pilipinong pintor na si Juan Luna ay nabigyan ng kredito sa disenyong ito.[4] Dinisenyo din ni Juan Luna ang insinya sa kuwelyo ng uniporme, ayon sa pagkaka-iba ng serbisyo: infantry, kabalyero, artilerya, mga inhinyerho, at mediko.[5][6][7] Ang kanyang kapatid, si Heneral Antonio Luna ay kinomisyon siya sa isang gawain at binayaran ng personal para sa uniporme.[4] Hindi bababa sa isang mananaliksik ang nag-sabi na si Juan Luna ay maaaring pinag-basehan ng tunika ayon sa English Norfolk jacket, dahil ang bersiyon ng Filipino ay hindi kopya ng anumang unipormeng Espanyol.[8] Ang infantry na opisyal ay nakasuot ng asul na pantalon na may guhit na itim sa gilid pababa, habang ang mga kabalyero na opisyal ay nakasuot ng pulang pantalaon na may itim na guhit.[9][10] Ang mga sundalo at batang mga opisyal naman ay ay may sobrerong gawa sa dayami senior habang ang mga mataas na opisyal ay may suot na en:Peaked cap.
Ang mga utos at sirkular ay inilabas sumasaklaw sa mga bagay tulad ng paggawa ng mga hukay at pagpapatibay, binigyan ng sandata ang mga kalalakihan na may edade 15 to 50 tulad ng pana at mga gulok, at itak bagamat ang mga opisyal ay may hawak na Europeong mga espada, upang ma-engganyo ang mga sundalong Pilipino sa hukbong Espanyol na bumaligtad, pagkolekto ng mga walang laman na basyo ng bala para lagyan ng pulbura, pagbabawal ng mga hindi planadong atake, imbentaryo ng mga nakuhang armas at mga bala, pangangalap ng pondo, pagbili ng armas at suplay sa labas ng bansa, pagkakaisa ng kumandante militar, at hinihimok ang mayayaman na magbigay ng tulong sa mga sundalo .[3]
Si Aguinaldo, matapos ang isang buwan ay nagdeklara ng kalayaan ng Pilipinas, lumikha ng pamantayan ng suweldo para sa mga opisyal sa hukbo: Kasunod ng lupon, ang isang brigada heneral ay tatanggap ng 600 piso taun-taon, at ang isang sarhento ng 72 na piso. Nang sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899, matinding pagkatalo sa lahat ng sektor. Maging si Antonio Luna ay hinimok si Apolinario Mabini, ang pinunong tagapayo ni Aguinaldo, na kumbinsihin ang Pangulo na ang pakikidigmang gerilya ay dpat na ipahayag ng mas maaga sa Abril 1899. Ginawa ni Aguinaldo ang taktikang gerilya noong November 13, 1899, binuwag ang natitirang regular na hukbo at pagkatapos ng marami sa kanyang mga yunit ay nasira at nagkawatak-watak sa mga laban .[11]
Ang mga Pilipino ay kapos sa mga modernong armas. karamihan sa kanilang mga sandata na nakuha mula sa mga Kastila, ay mga inayos lamang na armas kung hindi man ay mga tradisyunal na armas. Ang mga gamit na riple ng binubuong bagong hukbo ay ang Spanish M93 at ang Spanish Remington Rolling Block rifle].[3] Dagdag pa, habang nasa Hong Kong, si Emilio Aguinaldo ay bumile ng mga riple sa mga Amerikano.[12] Dalawang batch na 2,000 na riple bawat isa ay may kasamang mga bala ang inorder at binayaran. Ang unang batch ay dumating ngunit hindi ang pangalawa. Sa kanyang liham kay Galicano Apacible, si Mariano Poncenaghanap din ng armas sa perhong domestiko at inetrnasyunal na nagbebenta sa bansang Hapon.[13] Inalok siya ng ibang breech-loading o isang putok na riple sapagkat maraming mga bansa ay binabalewala ito pabor sa bago na bolt-action] na riple. Gayunman, walang anuman na nabanggit na may naganap na pagbili. Isa pang planong pagbili ay ang Murata rifle mula sa bansang Hapon subalit walang anuman na nakatala na napasakamay ito ng mga rebolusyunaryong Pilipino.
Nagsilbing armas ng Hukbong Pilipino ay ang mga nakuhang mga baril na Kastila katulad ng en:Krupp, en:Ordóñez guns, at Maxim-Nordenfelt multi-barreled guns. Mayroon ding improbisadong artileryang armas na gawa sa tubo na pinatibay ng kawayan o troso na kilala sa tawag na lantaka, na maari lamang paputukin ng minsan o dalawa.[3]
Ang ebolusyon ng rebolusyonaryong insignia ng Pilipinas ay maaaring hatiin sa tatlong pangunahing yugto; maagang Katipunan, huling yugto ng Katipunan at hukbong Republikano.
Ranggo sa Hukbong
Rebolusyunaryo |
Sa Tagalog | Sa Espanyol | Insigniya sa Manggas | Insignyang dekorasyon sa Balikat (1899–1901) |
---|---|---|---|---|
Minister Marshal | Ministrong Mariskal | Ministro Mariscal | ||
Captain General | Kapitán Heneral | Capitán General | ||
Lieutenant General | Tenyente Heneral | Teniente General | ||
Major General | Heneral ng Dibisyon | General de División | ||
Brigadier General | Heneral ng Brigada | General de Brigada | ||
Colonel | Koronel | Coronel | ||
Lieutenant Colonel | Tenyente Koronel | Teniente Coronel | ||
Major | Komandante | Comandante | ||
Captain | Kapitán | Capitán | ||
Lieutenant | Tenyente | Teniente | ||
Second lieutenant | Alpéres
Ikalawang Tenyente |
Alférez
Segundo Teniente |
Noong 1898, ang gobyernong Pilipino any nagbigay ng mga kulay sa sangay ng dalawang beses:
Sangay | Hulyo 30, 1898 | Nobyembre 25, 1898 |
---|---|---|
Infantry | Black | Deep Red |
Artillery | Red | Green |
Cavalry | Green | Black |
Engineer Corps | Violet | Khaki |
General Staff | Blue | Blue |
Military Juridical Corps | White | White |
Commissary and Quarter-master Corps | Yellow | |
Medical Corps | Red Cross | Yellow |
Military Administration | Rayadillo | |
Pharmacists | Yellow and Violet Piping | |
Secretary of War personnel | Blue | |
Military Academy | Blue | |
Chaplains | Violet | |
Telegraph Corps | Hemp |
Noong rebolusyon laban sa Espanya, ang Katipunan ay nagbigay ng mga pulyetos sa mga tao upang himukin sila na sumama sa himagsikan. Sapagkat ang mga rebolusyunaryo ang naging mga regular na sundalo noong panahon ni Emilio Aguinaldo, inumpisahan nilang himukin ang mga kalalakihan ang ibang kababaihan na may edad 15 pataas bilang pagsisilbi sa bayan. Ilang mga Espanyol at Pilipinong naitala at mga opisyal og hukbong Espanya and hukbong dagat ng Espanya ay tumalikod sa Rebolusyunaryong hukbo, gayunpaman ang iba pang mga dayuhan at mga Amerikano ay boluntaryong sumama noong panahon ng rebolusyong
Ang pagpili sa rebolusyonaryong hukbo ay nagkabisa sa Pilipinas at ang serbisyong militar ay naging was sapilitan noong panahon ni Hen. Antonio Luna, ang pangunahing kumandante ng hukbo noong Digmaang Pilipino–Amerikano.[14]
Itinatag ang Rebolusyunaryong Hukbong Pang-dagat noong ikalawang yugto ng Himagsikang Pilipino nang si Heneral Emilio Aguinaldo ay itinatag ito. Noong Mayo 1, 1898, ang unang barko ay ibinigay ni Admiral George Dewey sa Rebolusyunaryong Hukbong Pang-dagat ay isang maliit na pinnace mula sa Reina Cristina ni Admiral Patricio Montojo,na pinangalanang Magdalo.[15] Ang Hukbong pang-dagat ay maliit lamang noong una na may walong Spanish steam launches na nakuha mula sa mga Espanyolc. Ang barko ay nilagyan ng 9-centimeter ng mga baril. Ang mga mayayaman, sina Leon Apacible, Manuel Lopez at Gliceria Marella de Villavicencio, ay nagbigay ng lima pang mga sasakyang dagat na mas malalaki, ang Taaleño, ang Balayan, ang Bulusan, ang Taal at ang Purísima Concepción. Ang00-ton inter-island tobacco steamer paglaon ay nagpalaks sa hukbo, ang Compania de Filipinas (pinangalanan na Filipinas), na binili mula Tsina at iba pang sasakyang pang-tubig na bigay ng mayayamang makabayan.[15][16]
Ang mga istasyon ng hukbong-dagat kalaunan ay itinatag upang magsilbi bilang mga baseng tahanan ng mga barko sa mga sumusunod: [16]
Noong Setyembre 26, 1898, si Aguinaldo ay hinirang si Kapitan Pascual Ledesma (isang kapitan ng pang merkadong barko) bilang Direktor ng Bureau of the Navy, katulong si Kapitan Angel Pabie (isang ding kapitan ng pang merkadong barko). Matapos maipasa ang Konstitusyon ng Malolos ang hukbong pang-dagat ay nailipat sa Ministry of Foreign Relations sa Department of War (matapos ay nakilalang Department of War and the Navy) na pinamunuan ni Hen. Mariano Trías.[15][16]
Nang ang tensyon sa pagitan ng Pilipino at Amerikano ay sumiklab sa 1899 at nagpatuloy ang pagharang sa hukbong pang-dagat ng mga Amerikano, ang Hukbong pang-dagat ng Pilipinas ay nagsimulang masira.[15]
Sa panahon na umiral ang Rebolusyunaryong hukbo , mahigit 100 indibidwal ang hinirang na may Heneral na grado. Sa iba pang detalye, tignan ang Listahan ng mga heneral na Pilipino sa Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano na artikulo.
((cite web))
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo May 2, 2008[Date mismatch], sa Wayback Machine.
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite news))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo May 2, 2008[Date mismatch], sa Wayback Machine.
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo February 17, 2010[Date mismatch], sa Wayback Machine.
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)((cite journal))
: CS1 maint: date auto-translated (link)((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)((citation))
: CS1 maint: date auto-translated (link)((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)The Philippine revolutionary army has been mentioned in several books and films.
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)